Injured | Killed |
---|---|
0 | 1 |
Date: 20 May 2013
Source: Pilipino Star Ngayon
MANILA, Philippines – Napaslang ang 44- anyos na construction worker matapos pagbabarilin ng di-kilalang lalaki sa haparan ng shop sa Barangay Tatalon, Quezon City kahapon ng madaling-araw.
Kinilala ni SPO1 Cristituto Zaldarriaga ang biktima na si Cesario Sodario na nagtamo ng mga tama ng bala sa ulo at kanang balikat.
Ayon kay Zaldarriaga, naganap ang pamamaril sa harapan ng Peso Net Shop sa #96 Bolanos Compound bandang alas-3 ng mada ling-araw.
Wala namang lumutang na saksi sa takot na madamay sa krimen habang narekober naman sa crime scene ang apat na basyo ng bala ng cal 9mm revolver.