Injured | Killed |
---|---|
0 | 0 |
Date: 21 October 2013
Source: Bombo Radyo
LAOAG CITY – Ilang residente sa isang barangay sa lungsod ng Laoag ang nagreklamo laban sa city engineer ng lungsod matapos manggulo sa isang okasyon.
Nakilala ang suspek na si OIC City Engineer Fred Agpaoa, residente ng Brgy. 34-B, Gabu Norte sa nasabing lungsod kasama ang tatlong iba pa na nakasakay sa dalawang motorsiklo.
Ayon sa salaysay ng mga nagreklamo sa PNP Laoag, nangyari ang insidente habang nag-iinuman sila sa bahay ng nagngangalang Cesario Raciles, residente rin sa nasabing barangay dahil nagsagawa ng despedida party.
Habang nag-iinuman ay bigla na lamang dumating ang grupo ni Agpaoa at nang lumapit sa kanila ang isa sa mga nag-iinuman na si Mafran Raquinio ay bumulyaw ang inhinyero at sinabing “humahamon ba kayo, anong gusto niyo?” Pagkatapos ay umalis na ang grupo ng nasabing inhinyero.
Ngunit pagkatapos ng ilang minuto ay bumalik din ang grupo ng engineer at hinamon ang grupo ng mga nag-iinuman ng suntukan.
Lumalabas na lasing ang inhinyero nang manggulo sa naturang despedida party.