Chief engineer pinatay ang crew habang nasa dagat

Injured Killed
0 1

Date: 05 June 2013
Source: Bombo Radyo

LOILO CITY – Nakakulong na ngayon sa Lapaz Police Station sa lungsod ng Iloilo ang chief engineer ng MV Ma. Isabel, isang Ro-Ro vessel na pag-aari ng Montenegro Shipping Lines matapos pinatay ang kasamahan sa barko na nagtatrabaho bilang chief maintenance officer.
 
Ang insidente ay nangyari habang nasa gitna ng karagatan ang barko mula sa Palawan patungong Iloilo kaninang madaling-araw.
 
Sa inisyal na imbestigasyon, nakatanggap umano ng mensahe ang suspek na si Nestor Partisala y Lata, 58, ng Brgy. Barasan, Pototan, Iloilo na namatay ang kanyang asawa.
 
Hiniling umano nito sa biktima na si Severino Velono, 64, ng Camindawan, San Jose, Oriental Mindoro na pahiramin siya ng cellphone subalit hindi umano pinahiram kaya’t hanggang sa kanya itong pinatay.
 
Sa salaysay ng suspek, pinalo niya ng apat na beses ng tubo ang biktima at sinaksak ng tatlong beses sa dibdib.
 
Wala naman umanong alitan ang dalawa kaya’t ikinabigla ng kanilang mga kasamahan ang pangyayari habang may ilang pasahero naman na nag-panic.
 
Planong isailalim sa psychiatric exam ang suspek dahil pinaniniwalaang inatake ito ng nerbyos kaya’t kanyang nagawa ang krimen.
 
Nang dalawin ng asawa kaninang umaga sa kulungan at nakumpirmang hindi patay ang kanyang misis, kumalma na rin umano ang suspek ayon sa mga pulis.