Injured | Killed |
---|---|
0 | 1 |
Date: 01 December 2013
Source: Journal Online
BALAYAN, Batangas — Isang Chief Engineer ang idineklarang dead on arrival sa ospital matapos barilin ng hindi nakikilalang suspek sa mismong paradahan ng simbahan sa Bgy. District 4, Linggo ng gabi. Kinilala ni PSI Dwight A. Ponte, BPPO chief PIO, ang biktima na si Celso Manalo Jr., 41, may asawa, Chief Engineer/seaman at residente ng Milflores Subdivision, Bgy. Caloocan, Balayan, Batangas. Ayon sa mga imbestigador na sina PO2 Roderick R. Botavara at PO2 Roel V. Medina, bandang 6:25 p.m. noong November 24, nakatanggap ang Balayan MPS ng tawag mula sa isang concerned citizen na may pamamaril na nangyari sa paradahan ng Immaculate Conception Church sa Bgy. District 4, Balayan. Agad nagtungo ang mga ito sa nasabing lugar sa pamumuno ni PCSInsp. Laylo Acop. Dinala ang biktima sa Madonna General Hospital ngunit ito ay idineklarang dead on arrival ni Dra. Ragedy Hope Pulan. Napag-alaman ng mga otoridad na ang biktima kasama ang kanyang pamilya ay naglalakad papunta sa kanilang nakaparadang Isuzu Sportivo (VEV 228) ng biglang sumulpot ang hindi nakikilalang suspek at agad pinaputukan ng ilang beses ang biktima sa ulo at agad itong tumakas. Nakakuha ang lokal na pulis ng dalawang fired cartridge cases at isang deformed fired bullet ng kalibre 45. Dinala ito sa Batangas Crime Laboratory para sa ballistic at cross matching examination.