Cellphone shop, panibagong nilooban sa Bacolod

Injured Killed
0 0

Date: 31 March 2013
Source: Bombo Radyo

BACOLOD CITY – Patong-patong na ang kasong lulutasin ng Bacolod City Police Office hinggil sa serye ng pagnanakaw sa lungsod.

Matapos ang malakihang kaso ng robbery sa isang jewelry store noong Sabado kung saan milyong piso na halaga ng alahas ang natangay at pag-ransack ng isa pa kahapon, isa namang cellphone shop ang ninakawan kaninang madaling araw.

Isang guwardiya ang nakadiskubre na sira na ang pintuan ng Hosun cellshop na siyang nagbigay ng impormasyon sa pulisya.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, umabot sa P4,000 ang natangay ng mga salarin.

Napag-alaman na hindi pa nalutas ang panloloob sa jewelry store kung saan ni-relieve na ang hepe ng police station 1 na siyang may jurisdiction sa crime area kasama na rin ang intelligence officer ng BCPO, panibagong kaso ang lulutasin ng pumalit na chief of police.