Injured | Killed |
---|---|
0 | 0 |
Date: 31 March 2013
Source: Bombo Radyo
NAGA CITY – Pinaghahanap na ng mga otoridad ang nasa likod ng pagnanakaw sa isang negosyante sa Quezon Province.
Ito’y matapos matangay sa bahay ng biktimang si Severino Balmeo y Quevada ng Barangay Ayuti bayan ng Lucban ang pera at gamit na aabot sa halagang P70,000.
Natangay sa biktima ang I-Pad na nagkakahalaga ng P20,000, cash na halagang P50,000, mga ID at ilang importanteng dokumento.
Ayon naman kay SPO1 Erwin Bebida, imbestigador ng nasabing kaso, pumasok sa terrace ang hindi nakilalang suspek.
Tulog umano ang biktima kaya’t sinamantala ng suspek ang pagkakataon para kunin ang mga importanteng gamit sa bahay nito.
Sa ngayon blangko pa ang PNP Lucban kung sino ang nasa likod ng nangyaring nakawan.