Injured | Killed |
---|---|
0 | 0 |
Date: 25 January 2013
Source: Pilipino star ngayon. Ni Danilo Garcia | Updated January 25, 2013 - 12:00am
MANILA, Philippines – Sumalakay ang mga kilabot na carjackers na ang paborito ngayong lugar ng operasyon ay ang Macapagal Blvd. sa Pasay City nang tangayin ang isang SUV (sports utility vehicle) buhat sa family driver na nagmama neho nito, kamakalawa ng gabi.
Sa ulat ng Pasay City Police Anti Carnapping Unit, dakong alas-9:15 kamakalawa ng gabi nang ihatid ng biktimang si Jayson de Vera Caliwan, 28, ng Dinalupihan, Bataan ang kanyang among si Monica Rabadon sa Sea Side Bay sa Macapagal Avenue.
Ipinaparada nito ang Mitsubishi Montero (TIU-160) nang biglang sumulpot ang dalawang lalaki at tinutukan siya ng baril. Pinalipat umano siya ng mga suspek sa passenger seat at kinumander ng mga suspect ang sasakyan.
Kinuryente umano siya ng mga salarin gamit ang taser gun at saka iginapos. Itinapon ang biktima sa gilid ng L. Gruet St., sa Brgy. Maytunas, San Juan City kung saan sinaklolohan siya ng taumbayan at dinala sa San Juan Police.
Sinamahan naman ng mga tauhan ng San Juan Police ang biktima sa Pasay Police upang doon iulat ang insidente.
Matatandaan na nitong Enero 19 lamang, isa ring kotse ang natangay ng mga carjacker sa Pres. Diosdado Macapagal Avenue sa tapat ng isang banko kung saan kinuryente rin ang biktima bago inilaglag sa may Cavite. Sa kabila nito, bigo ang Pasay Police na mabantayan ang lugar na naging dahilan ng panibagong biktima.