Injured | Killed |
---|---|
0 | 1 |
Date: 21 April 2013
Source: Bombo Radyo
Patay on the spot ang isang campaign manager na dating barangay chairman ng pagbabarilin ng riding in tandem sa may bahagi ng Brgy. Puting Buhanginan sa San Juan, Batangas bandang ala-1 kanina.
Nakilala ang biktima na si Melvin Manimtim, dating chairman ng Brgy. Puting Buhanginan. Sa inisyal na imbestigasyon ng Batangas Police nabatid na pauwi na ang biktima sakay sa kaniyang motorsiklo ng tambangan ng riding in tandem.
Nagtamo ng tama ng bala sa ulo si Manimtim at sa katawan nito na naging sanhi ng agarang pagkamatay nito.
Nanggaling umano ang biktima sa campaign sortie nila sa may Rosario, Batangas. Si Manimtim ang siyang campaign manager ni 4th District Congressional bet Bernadette Sabili.
Samantala, iniimbestigahan na sa ngayon ng Batangas PNP ang insidente na pinaniniwalaang pulitika ang motibo sa pananambang.