Injured | Killed |
---|---|
0 | 1 |
Date: 15 February 2013
Source: Remate.ph by Jocelyn Tabangcura-DomendenFeb 14, 2013
3:04pm HKT
PATAY ang isang 52-anyos na negosyante matapos barilin ng riding in tandem habang naglalakad patungong palengke sa Paco, Maynila, Huwebes ng madaling araw.
Dead on the spot ang biktima na si Delia Addum, isang balo ng 1507 Paz St. Paco, Manila.
Pinaghahanap naman ng pulisya ang mga suspek na sakay sa motorsiklo na mabilis na tumakas matapos ang pamamaril.
Sa report ni PO2 Jose Gumilan ng Manila Police District (MPD)-Homicide Section, dakong 3:30 ng madaling araw nang maganap ang pamamaril sa kanto ng Paz at Trese De Agosto sa Paco, Maynila.
Ayon sa isang Liwayway Dondon, 47, vendor, una niyang napansin na naglalakad ang biktima sa nasabing lugar na nilapitan ng isang suspek at binaril.
Matapos ang pamamaril ay kaswal lamang na naglakad ang suspek patungo sa kasamahan nito sa nakaparadang motorsiklo.
Walang nakitang pera sa biktima na pinaniniwalaang tinangay ng mga suspek gayunman, inaalam pa ng pulisya kung ano ang motibo sa pagpatay.