Injured | Killed |
---|---|
0 | 0 |
Date: 03 May 2013
Source: Bombo Radyo
LEGAZPI CITY – Aabot sa mahigit kumulang P6,000 ang natangay sa isang burger stand ng hindi pa nakikilalang suspek sa lalawigan ng Catanduanes.
Ang biktima ay kinilalang si Rachelle Ann Del Rosario, 23, residente ng Brgy Manamrag, San Andres.
Sa ulat na ipinaabot sa Bombo Radyo Legazpi, napag-alaman na bandang alas-2:10 ng madaling araw, habang nagbabantay ang biktima sa nasabing tindahan ng lapitan ito ng suspek.
Bitbit ang patalim nang magdeklara ito ng hold-up.
Agad namang tumakas ang suspek sa hindi malamang direksyon.