Buntis natagpuang tadtad ng saksak sa damuhan sa Quezon

Injured Killed
0 1

Date: 29 October 2013
Source: Bombo Radyo

NAGA CITY – Iniimbestigahan ngayon ng kapulisan ang pagkakadiskubre sa bangkay ng isang buntis sa madamong lugar sa Guinayangan, Quezon na tadtad ng saksak sa katawan.

 

Ang bangkay ay kinilalang si Angelica Jara Tajonar, 22, limang buwang buntis at residente ng Barangay Magsaysay.

 

Sa impormasyon na ipinadala ng Quezon Police Provincial Office sa Bombo Radyo Naga, nadiskubre ang bangkay sa Barangay Salacan.

 

Tadtad ito ng saksak sa iba’t-ibang bahagi ng kanyang katawan na siyang itinuturong sanhi ng kanyang agarang pagkamatay.

 

Natagpuan naman sa lugar ang isang payong na may mga dugo at iba pang personal na mga kagamitan ng biktima ilang metro ang layo sa kanyang bangkay.

 

Sa ngayon patuloy pang inaalam ng otoridad kung ano ang motibo ng hindi pa natukoy na suspek, sa pagpaslang sa biktima.