Injured | Killed |
---|---|
0 | 1 |
Date: 13 April 2013
Source: Bombo Radyo
ZAMBOANGA CITY – Patay ang isang barangay tanod matapos saksakin at basagin ang bungo sa may Barangay Bagong Silao, Dumalinao sa Zamboanga Del Sur.
Tadtad ng saksak sa iba’t ibang parte ng katawan at basag pa ang bungo nang matagpuan ang bangkay ng biktima na kinilalang si Galabin Gabino Abing, 60-anyos, tanod sa nasabing barangay na nasa mahigit kumulang isang kilometro mula sa bahay nito.
Halos hindi na rin makilala ang biktima dahil wasak na wasak ang mukha nito na posibleng gumamit ng bato ang suspek.
Sa isinagawang imbestigasyon ng Dumalinao municipal police station na pinangungunahan ni P/Insp. Mark Gerome Nebria, kinilala ang isang Pradel Julito bilang responsable sa krimen.
Personal na galit ang isa sa nakikitang motibo ng mga otoridad sa karumal-dumal na pagpatay sa biktima.
Napag-alaman na tinangay pa ng suspek ang dalang baril ng biktima saka tuluyang tumakas.
Patuloy pang tinutugis ng pulisya ang nakatakas na suspek. (MRDS)