Injured | Killed |
---|---|
1 | 0 |
Date: 10 June 2013
Source: Bombo Radyo
LEGAZPI CITY – Pinaghahanap ngayon ng mga otoridad ang suspek sa pagnanakaw at pambubogbog sa isang barangay kapitan sa mismong bahay nito sa Albay.
Una nang isinugod sa ospital ang sugatang biktima na si Barangay Chairwoman Soccoro Naje y Llona ng Barangay Maninila, bayan ng Camalig.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Camalig MPS chief of police Frande Echaluce, sinabi nito na mabilis na nakapasok ang hindi nakilalang suspek sa kusina ng bahay ng opisyal at saka unti-unting kinuha ang ilang mga mahahalagang gamit sa loob.
Natunugan naman ito ng biktima na agad lumabas subalit, sinalubong na ito ng suntok at bugbog ng suspek.
Mabuti na lamang at nagawang makatakas ng biktima at nakahingi ng tulong sa mga katabing bahay.
Subalit pagbalik nito sa kanyang tinutuluyan, maraming gamit na ang nawawala na bitbit ng tumakas na suspek.
Sa ngayon, nagpapagaling pa sa ospital ang biktima habang nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng mga otoridad kaugnay ng insidente.