Brgy kapitan pinatay sa Leyte

Injured Killed
0 1

Date: 30 September 2013
Source: Bombo Radyo

TACLOBAN CITY- Binaril-patay ang ABC president sa Inopakan, Leyte ng hindi nakilalang mga suspect.

 

Ayon sa nakuhanag impormasyon ng Bombo Radyo Tacloban, galing umano isang sesyon si ABC president at brgy kapitan Celso Malanggi nang barilin ito sa ulo ng riding in tandem habang bumibili sa isang tindahan sa Brgy. Taon-taon ng nasabing bayan.

 

Sa pahayag ni S/Insp. Rolando America, hepe ng Inopakan PNP, dead on the spot ang biktima at agad namang nakatakas ang mga suspect na ayon sa mga witness isang malaki at payat na lalaki.

 

Wala naman umanong plate number ang gamit na motorsiklo ng mga ito.

 

Sa ngayon ay patuloy na ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad ukol sa nasabing insidente.

 

Dagdag pa ni S/Insp America, posibleng dumaan upang magpakarga ng gasolina ang mga suspect kaya titingnan nila ang mga cctv camera ng mga gasoline station.

 

Samantala, tinitingnan naman nila kung election related ang motibo sa nasabing pamamaril.

 

Aktibo rin umano ang biktima sa kampanya laban sa iligal na droga.

 

Napag-alaman na dati nang nabaril at nasugatan si Malanggi noong taong 2010 at pinasabugan na rin ang labas ng pamamahay nito noong nakaraang Mayo 2013.