Brgy kapitan pinatay sa Ilocos Norte

Injured Killed
0 1

Date: 31 August 2013
Source: Bombo Radyo

LAOAG CITY – Dead on the spot si Barangay Chairman Randy Dipasupil ng Brgy 21, Sarrat, Ilocos Norte matapos barilin ng hindi nakilalang suspek pasado alas-12:00 ng hatinggabi sa bahagi ng Brgy 20 sa nasabing bayan.
 
Si Dipasupil ay sakay sa kanyang kotse pauwi kasama ang isang barangay tanod nang barilin ng suspek na sakay sa nag-overtake ang isang van.
 
Tinamaan ito ng bala sa kaliwang dibdib na naging sanhi ng kanyang pagkamatay.
 
Habang nakaligtas naman ang kasamang tanod na si Wilbur Doronio.
 
Inamin ni Cherry Mae Dipasupil, kapatid ng biktima, na nasabi na rin sa  kanya ng kanyang kapatid na mayroon itong natanggap na death threat o pagbabanta sa kanyang buhay.
 
Hanggang ngayon ay hindi pa matukoy ang motibo at mga suspect sa krimen.
 
Si Dipasupil ay naging suspek sa pagpatay sa isang barangay kagawad ng nasabing bayan.