Brgy kapitan nakaligtas sa ambush pero pamangkin napatay ng mga suspek

Injured Killed
0 1

Date: 03 October 2013
Source: Bombo Radyo

ILOILO CITY – Isa ang patay sa pag-ambush sa barangay kapitan ng Brgy. Lunoy, Calinog, Iloilo.
 
Sakay ng motorsiklo si Punong Brgy. Eustaquio Porras na minamaneho ng pamangkin nito na kinilalang si Micmay Lemana ng Brgy. Tabucan, Calinog, Iloilo nang barilin ng limang armadong mga lalaki.
 
Tumalon mula sa motorsiklo si Porras at maswerteng hindi tinamaan ng bala subalit napuruhan naman ang pamangkin nito at binawian ng buhay.
 
Sa panayam ng Bombo Radyo kay C/Insp. Rogelio Ortigas, hepe ng Calinog Municipal Police Station, paghihiganti ang sinusundan nilang motibo sa krimen.
 
Napag-alaman na nahaharap sa kasong frustrated murder ang punong barangay at ang pamangkin nito matapos barilin ang biktimang si Nolie Insular sa kanilang bayan noong nakaraang buwan.
 
Kasunod ng insidente, ang punong barangay ay nagpa-custody muna sa mga pulis dahil sa banta sa kanyang buhay.