Injured | Killed |
---|---|
0 | 1 |
Date: 31 August 2013
Source: Bombo Radyo
(Update) LEGAZPI CITY – Balot pa rin ngayon ng takot ang mga opisyal at residente sa isang barangay sa lalawigan ng Camarines Sur matapos ang nangyaring pamamaril sa kanilang brgy. kapitan.
Kinilala ang opisyal na si Roger Atacador y Concepcion, 59, ng Barangay Rizal, San Fernando.
Nasa kalagitnaan ng barangay session ang biktima kasama ang ilang mga kagawad nang ito ay pansamantalang lumabas.
Ilang minuto lamang ang lumipas nang marinig na ang sunod-sunod na putok.
Binaril ang biktima nang malapitan sa kanyang ulo na naging sanhi ng kanyang agarang pagkamatay.
Naisugod pa sana ito sa ospital subalit idineklarang dead on arrival.
Nadaplisan naman ang kagawad nitong si Silvestre Nopia na nagtamo ng tama sa kanyang kanang tagiliran.
Agad namang tumakas ang mga armadong kalalakihan na hanggang ngayon ay pinaghahanap pa ng mga otoridad.
Palaisipan din sa pamilya at sa mga kasamahan nito ang tunay na motibo sa krimen.