Injured | Killed |
---|---|
0 | 0 |
Date: 15 May 2013
Source: Bombo Radyo
ZAMBOANGA CITY – Arestado ang isang barangay kapitan matapos mahulihan ng dalawang baril sa loob ng kanyang bahay sa may Purok Centro, Barangay Aseniero, Dapitan City.
Sa bisa ng isang search warrant, pinasok ng pulisya ng Zamboanga Del Norte na pinangungunahan ni Supt. Reynaldo Maclang, ang company commander ng Provincial Public Safety Company (PPSC) ng lalawigan, ang bahay ng suspek na kinilalang si Alfredo Tacbaya y Pon, 49, barangay kapitan ng nasabing lugar.
Nakuha ng mga pulis sa suspek ang isang unit ng caliber .45 pistol at ang isang caliber .38 revolver at mga magazine na may mga bala ng nasabing mga baril.
Kasalukuyang nakakulong sa selda ng Dipolog City police station ang nahuling barangay kapitan. (MRDS)