Brgy kapitan at 4 pang iba sugatan sa ambush sa Ilocos Norte

Injured Killed
5 0

Date: 29 September 2013
Source: Bombo Radyo

LAOAG CITY – Nagtamo lamang ng slight injuries ang lima sa pitong nakasakay sa isang Revo van sa bahagi ng Badoc, Ilocos Norte matapos silang tambangan kaninang pasado alas-8:00 ng umaga.
 
Nagtamo ng daplis sa kaliwang kamay si Brgy. Chairman John Rañeses ng Brgy. Turod bayan ng Badoc nang sila’y tambangan sa pagitan ng Brgy. Caraitan at Brgy. Paltit sa nasabing bayan ng hindi nakilalang suspek.
 
Maliban sa kapitan, sugatan din ang kanyang biyenang babae na si Translacion Bautista, na isang retired teacher na may tama sa tenga, ang kanilang helper na siyang nagmaneho sa van ay nagtamo ng sugat sa kanyang dibdib.
 
Si Rañeses at ang kanyang biyenan ay isinugod sa Corpuz Clinic sa Sinait, Ilocos Sur.
 
Sugatan din sa insidente sina John Apostol na nagtamo ng sugat sa kanyang mukha at balakang.
 
Kasama nito si Rolly Rañeses na isinugod sa Mariano Marcos Memorial Hospital and Medical Center sa Batac City.
 
Wala namang tinamong sugat sina Macario Bautista at Romnick Rañeses.
 
Nabatid na pupunta sana sa sentro ng Badoc ang mga biktima nang mangyari ang pag-ambush sa kanila.
 
Patuloy pa ang imbestigasyon na isinasagawa ng PNP Badoc sa insidente.