Injured | Killed |
---|---|
0 | 1 |
Date: 15 February 2013
Source: Bombo Radyo
ILOILO CITY – Isang barangay kagawad na homosexual ang pinatay sa kanyang parlor sa ikalawang palapag ng palengke sa distrito ng Mandurriao sa lungsod ng Iloilo.
Ang biktima ay kinilalang si Ramil Tonguines, 46, isang barangay kagawad sa Brgy. Calajunan, Mandurriao, Iloilo City.
Ang biktima ay natagpuan na lamang na patay na kaninang umaga kung saan nagtamo ito ng multiple stab wound at minartilyo pa sa ulo.
Ayon sa kaibigan ng biktima na si alyas Trixia, magkasama pa sila ng biktima hanggang kaninang madaling-araw.
Sa inisyal na imbestigasyon ng mga pulis, nakita ang biktima kagabi na may kasamang dalawang lalaki at ito ang isa sa mga tinitingnan ng mga pulis na lead sa kanilang imbestigasyon.