Injured | Killed |
---|---|
0 | 0 |
Date: 29 September 2013
Source: Bombo Radyo
LEGAZPI CITY – Tuluyan nang napasakamay ng mga kapulisan ang isang barangay kagawad na wanted sa kasong murder sa may bahagi ng Sitio Paradahan Brgy Maolingon, Mandaon, Masbate.
Kinilala ang suspect na si Conrado Villar Oliva kagawad ng nasabing barangay.
Naaresto si Oliva sa tulong ng pinag-isang pwersa ng Provincial Intelligence Branch (PIB) of Masbate Provincial Police Office, Regional Special Operation Task Group (RSOTG) at Mandaon Municipal Police Station sa bisa ng arrest warrant na ipinalabas ni Judge Lita Tolentino-Genilo ng RTC Branch 91, Quezon City.
Sinabi ni P/Supt Alex Pederio, hepe ng Provincial Intelligence Branch ng nasabing probinsya, tinangka pang manlaban ni Liva, kung saan inagaw nito ang baril sa isa nilang pulis.
Nakipagbuno ang pulis na si PO1 Brian Baloria sa suspek kung saan aksidente itong naiputok sa binti ni Oliva.
Sa ngayon ay patuloy itong ginagamot sa Mandaon Community Medicare Hospital (MCMH).
Agad naman itong itu-turnover sa korte na may hawak sa kaso.