Injured | Killed |
---|---|
1 | 1 |
Date: 26 October 2013
Source: DZMM Radyo Patrol
Sugatan ang isang barangay chairman habang patay ang tauhan nito matapos tambangan sa Baungon, Bukidnon, Huwebes ng gabi.
Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Johnny Llana.
Kasama si Llana sa grupo ni Kapitan Joseph Bauyo ng Barangay San Miguel na pinagbabaril sa Brgy. Danatag habang papauwi.
Nagtamo naman ng sugat sa kaliwang paa si Bauyo habang sa dibdib ang tama ng dalawa pang tauhan na sugatan din.
Pulitika ang sinisilip na anggulo sa insidente. Report from Fred Dellava, DZMM Correspondent