Brand-new HI-Ace na-carjack

Injured Killed
1 0

Date: 19 January 2013
Source: http://www.journal.com.ph/index.php/news/metro/43165-brand-new-hi-ace-na-carjack

TINANGAY ng mga armadong carjackers ang bagung-bagong Toyota Hi-Ace Commuter matapos tutukan ng baril ang may-ari nito habang nakaparada sa Macapagal Avenue kamakalawa ng gabi sa Pasay City.

Hinihintay lamang ni Gilbert Gregorio, 34, transport operator, ng 053 Capiral St., Bgy. Duhat, Bucaue, Bulacan ang kanyang kaibigan sa harapan ng PNB Building dakong alas-8:30 ng gabi sakay ng minamanehong van na may conduction sticker na TQ8263 nang lapitan ng dalawang lalaki na ang isa ay armado ng baril.

Tinutukan at puwersahang pinapasok sa van si Gregorio at dito na siya iginapos at kinuryente ng stunt gun ng ilan pang suspect na sumakay na rin sa van bago pinatakbo ang sasakyan patu-ngong Cavite.

Sa report na tinanggap ni Pasay City police chief Senior Supt. Rodolfo Llorca, ibinaba ng mga carjackers sa isang madilim at madamong lugar sa bahagi ng Cavite si Gregorio bago tuluyang tinangay ng mga ito ang kanyang sasakyan.

Bagama’t nakagapos ang mga kamay, nagawa pa ni Gregorio na makapunta sa isang policesub-station sa Bacoor City kung saan kinuha ang detalye sa insidente bago siya dinala sa Pasay City Police Anti-Carnapping Unit.      Edd Reyes