Injured | Killed |
---|---|
0 | 0 |
Date: 17 May 2013
Source: Bombo Radyo
ZAMBOANGA CITY – Isang silid ng isang paaralan ang bahagyang nasira matapos sumabog ang isang improvised explosive device (IED) sa campus ng Salug National High School sa may Barangay Poblacion East, Salug, Zamboanga del Norte.
Batay sa ulat ng Police Regional Office (PR0-9), nangyari ang pagsabog pasado ala-1:00 ng madaling araw sa kasagsagan ng malakas na ulan.
Nabulabog na lamang umano ang mga residente sa lugar nang marinig ang malakas na pagsabog sa loob ng nasabing paaralan.
Wala namang napaulat na sugatan sa nangyaring pagsabog dahil wala ring tao sa nasabing paraalan.
Nahirapan din ang mga otoridad na tukuyin ang lugar kung saan talaga sumabog ang bomba dahil sa sobrang dilim ng lugar at masama rin ang panahon.
Bandang alas-4:00 na ng madaling araw nang makita ang nasirang silid kung saan sumabog ang IED.
Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya para matukoy ang motibo at ang pagkakakilanlan ng mga responsable sa insidente. (MRDS)