Bomba sumabog sa North Cotabato; BIFF itinuturong suspek

Injured Killed
0 0

Date: 31 August 2013
Source: Bombo Radyo

KORONADAL CITY – Pinaniniwalang isang improvised explosive device (IED) ang sumabog sa Barangay Nes, Midsayap, North Cotabato.
 
Inihayag ni P/Supt. Reynate delos Santos, ang chief of police ng Midsayap PNP, maswerte namang walang casualty at walang nasugatan sa naturang insidente.
 
Nangyari ang pagsabog sa harapan ng tindahan na pagmamay-ari ng isang Gerry Fontanilla.
 
Inihayag ni Fontanilla sa police investigators na dalawang lalaki na tinatayang edad 30-anyos ang dumating sa kanyang tindahan sakay ng isang motorsiklo na walang plate number kung saan dali-dali ang mga itong bumili ng sigarilyo at agad ding umalis. 
 
Matapos na makaalis ang mga ito, agad ding nangyari ang malakas na pagsabog sa naturang tindahan.
 
Wala namang grupong umaako sa pagpapasabog subalit kinokonsidera naman ng mga otoridad na ang Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang nasa likod nito.