Injured | Killed |
---|---|
0 | 0 |
Date: 17 April 2013
Source: Pilipino Star Ngayon
MANILA, Philippines – Binalot ng tensyon ang mga residente ng isang barangay sa Las Piñas City makaraang matagpuan ang isang unang hininalang improvised explosive device (IED) na ikinabit sa tangke ng tubig, kahapon ng umaga.
Agad namang rumesponde ang mga tauhan ng Las Piñas City Police-Explosive and Ordnance Division dakong alas-6 ng umaga sa Gate 10 sa Pilar Village, Brgy. Almanza Uno, kung saan nakita ang mistulang IED na nakadikit sa tangke ng isang water station na pag-aari ng isang Danilo Niebres.
Agad na kinordonan ng pulisya ang naturang lugar at maingat na sinuri ang hinihinalang bomba ngunit nadiskubreng peke lamang.
Nabatid na ang pekeng pampasabog ay may dalawang tubo na ikinabit sa tatlong stick na yantok na mistulang dinamita at may baterya pa at timer na kahawig ng isang detonator.
Masusing iniimbestigahan ang naturang kaso upang mabatid ang motibo at matukoy kung sinong suspek ang nagdikit ng pekeng bomba.