Bomb threat sa Ospital ng Makati

Injured Killed
0 0

Date: 20 June 2013
Source: Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Inilikas palabas ng Ospital ng Makati ang mga pasyente nito makaraang makatanggap ng bomb threat kahapon ng umaga.

Sinabi ni Makati Police chief, Sr. Supt. Manuel Lukban na isang nurse sa OSMAK sa Brgy. Pembo ang nakatanggap ng text message dakong alas-8:40 ng umaga na nagsasabing,”Saan ninyo gusto ilagay ang bomba? Mas maganda hanapin nyo na lang.  Good luck. Umpisahan nyo na. Dalawang oras meron kayo.”

Agad na iniulat ng naturang nurse ang naturang text message sa pamunuan ng pagamutan sanhi upang ipatupad ang eva­cuation ng mga empleyado at pasyente sa gusali.

Mabilis namang rumesponde ang mga pulis, bumbero at emergency personnel ng Makati City Hall sa pagamutan. Pinasok ng mga bomb experts kasama ang kanilang mga K-9 units ang gusali at isa-isang ini­nspeksyon ang bawat sulok ngunit nagnegatibo sa anumang uri ng bomba.

Itinanggi naman ni Lukban na may na­tagpuan silang kahina-hinalang bagay sa loob ng isa sa palikuran ng pagamutan. Pa­tuloy ngayong iniimbestigahan ng pulisya ang natanggap na text message.