Bodyguard ng vice mayor patay sa ambush sa Pangasinan

Injured Killed
0 1

Date: 13 April 2013
Source: Bombo Radyo

 

DAGUPAN CITY – Patay sa pamamaril ang bodyguard ng isang vice mayor sa bayan ng San Manuel sa lalawigan ng Pangasinan.

Hindi na umabot ng buhay sa pagamutan ang biktimang si Darwin Sacules, 35, na residente ng Brgy Sto Domingo sa nabanggit na bayan.

Ayon sa impormasyon patungo sa Barangay San Juan ang biktima upang kunin ang padala ng kaniyang asawa sa kaniyang hipag nang tambangan at barilin ito ng hindi nakilalang mga suspek gamit ang kalibre .45 na baril.

Nagtamo ito ng tama ng baril sa iba’t ibang bahagi ng kaniyang katawan.

Naisugod pa ito sa pagamutan ngunit idineklarang dead on arrival.

Sa ngayon patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng kapulisan sa insidente upang malaman ang pagkakakilanlan ng suspek maging ang motibo ng pagpatay sa nabanggit na biktima.