Bodyguard ng gobernador, namaril sa sabungan

Injured Killed
0 0

Date: 30 January 2013
Source: Bombo Radyo

VIGAN CITY – Parang shooting sa pelikula ang nangyari sa pagitan ng isang bodyguard ng gobernador at isang namamahala sa cockpit arena sa Brgy. Agtangaw, Bangued, Abra.

Itoy matapos barilin ng maraming beses ng suspek at bodyguard ni Abra Governor Eustaquio Bersamin na si Popoy Barbosa, ang biktimang si Edwin Barero na taga Zone 1, Bangued ngunit hindi ito tinamaan.

Nasa sabungan ang biktima nang lapitan ng suspek at humingi ng P300 at sinabing “for the boys” ngunit wala itong naibigay.

Nagalit ang suspek at binaril ang biktima sa pamamagitan ng kalibre .45 ngunit hindi pumutok na naging dahilan para ipalo ang baril sa biktima ng maraming beses na sanhi ng pagkahulog ng magazine.

At nang pulutin ng suspek ang magazine ito na ang kinuhang pagkakataon ang biktima at kumaripas ng takbo.

Ngunit mas lalo pang nagalit ang suspek at tinambangan ang biktima habang papalayo sa kabila ng maraming tao ngunit hindi pa rin natamaan.

Sa ngayon ay masusing imbestigasyon ang isinasagawa ng mga otoridad matapos sumuko ang suspek.