Bisor bulagta sa ambush

Injured Killed
0 1

Date: 26 June 2013
Source: Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines – Napaslang ang 40-anyos na supervisor ng pribadong kompanya matapos itong pagbabarilin ng di-kilalang lalaki sa liblib na bahagi ng Barangay San Vicente sa bayan ng Sta. Maria, Bulacan kahapon ng umaga. Napuruhan sa ulo ang biktimang si Leo Cataquis, bisor ng Ramcar Manufacturing Corp. at nakatira sa Sitio Pasong Kasay sa nasabing barangay. Sa inisyal na imbestigasyon ni P02 Vincent Guinicaran, nagmomotorsiklo ang biktima patungo sa trabaho nang harangin    at ratratin ng di-kilalang lalaki pagsapit sa madilim na bahagi ng nasabing barangay bandang alas-5:40 ng umaga. Bagama’t sugatan ay nakatakbo pa ito ng ilang metro upang magtago ngunit hinabol pa siya saka muling binaril sa crash helmet na tumagos sa kanyang ulo. Nakatakas ang gunman lulan ng motorsiklo na walang plaka.