Injured | Killed |
---|---|
0 | 1 |
Date: 30 April 2013
Source: Phil Star Pang Masa
MANILA, Philippines – Naging madugo ang pagdiriwang ng isang birthday party matapos na mapatay sa saksak ang isang bisita kamakalawa ng gabi sa Valenzuela City.
Ang biktima na namatay noon din dahil sa mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ay nakilalang si Mario Cejudo, nasa hustong gulang, ng Barangay Karuhatan ng naturang lungsod.
Ang suspek na agad naaresto ay nakilalang si Santiago Versosa, nasa hustong gulang at kalugar ng biktima.
Sa pagsisiyasat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-6:40 ng gabi sa isang birthday party sa Lopez St., Barangay Karuhatan ng nabanggit na lungsod.
Nabatid, na dumalo ang biktima sa kaarawan ng kaibigan sa naturang lugar at nakipag-inuman ito.
Ilang sandali ay lumapit ang suspek na may dalang patalim sa biktima at walang salitang pinagsasaksak ito na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.