Injured | Killed |
---|---|
0 | 0 |
Date: 31 August 2013
Source: Bombo Radyo
LAOAG CITY – Kinumpirma ni Sangguniang Panlalawigan secretary Mrs. Mildred Lamoste na natanggap na ng tanggapan ni Vicce Governor Angelo Marcos Barba ang reklamong inihain laban kay Vice Mayor Jonathan Ramit ng isang barangay kagawad na si Florendo Padilla ng Brgy.11, Sta. Filomena, Bacarra, Ilocos Norte.
Ang reklamo ay nag-ugat sa diumano’y pagtutok ng bise alkalde ng baril sa barangay kagawad at paghamon pa nito ng digmaan.
Sa sinumpaang salaysay ni Padilla, nangyari ang diumano’y panunutok sa kanya ni Ramit ng baril nang magkasalubong ang mga ito sa daan kung saan habang naglalakad ay nakasalubong niya ang bise alkalde na nakasakay sa kanyang kotse.
Nang tumapat ang sasakyan ng bise alkade kay Padilla ay biglang bumukas ang bintana sabay tawag ni Ramit sa barangay kagawad.
Sa pag-aakalang may sasabihin sa kanya ang opisyal ay lumapit ngunit nagulat na lamang nang bigla siyang tutukan ng baril kasabay ng pagsasabing magdidigmaan ang mga ito.
Sa takot ni Padilla ay agad itong lumayo sa sasakyan ng bise alkalde at umalis na rin si Ramit.