Injured | Killed |
---|---|
0 | 0 |
Date: 31 March 2013
Source: Bombo Radyo
NAGA CITY-Matinding trauma ang nararamdaman ngayon ng isang binatilyo matapos subukang dukutin sa bahagi ng Ramaida Village, Concepcion Grende, Naga City.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga, nabatid na pasado alas 5:00 ng umaga habang naglalakad sa isang eskinita ang 13 taong gulang na binatilyo nang bigla itong sundan ng isang lalaking lulan umano ng isang van.
Sinubukan umano siya nitong isakay sa van subalit nagawa niya itong sikuhin daan upang makatakas siya at makahanap ng mapagtataguan.
Mabuti na lamang umano na hindi siya nakita sa kaniyang pinagtaguan kung kaya hindi siya nakuha ng mga suspek.
Napansin din umano ng biktima na may iba pang batang umiiyak sa loob ng sasakyan.
Labis-labis naman ang takot na naramdaman ng magulang ng biktima nang malaman ang pangyayari lalo pa’t nakatakda umanong magtapos ngayong Marso ang kaniyang anak na valedictorian.