Binatilyo nakaligtas ng paputukan ng illegal na baril ng grupo ng tripper

Injured Killed
1 0

Date: 26 February 2013
Source: Remate.ph 2/26/2013

Binatilyo nakaligtas sa sumpak ng grupo ng tripper

LIGTAS na sa tiyak na kamatayan ang 14-anyos na binatilyo na tinamaan ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan matapos mapag-tripan ng grupo ng kalalakihan kagabi sa Taguig City.

Nagpapagaling sa Taguig Pateros District Hospital ang biktimang si Moctar Ali, out of school youth, ng Jolo St., Quiapo 2 Barangay Maharlika Village sanhi ng tama ng bala sa katawan.

Sa ulat ni PO3 Ricky Ramos ng Criminal Investigation Unit ng Taguig police, kasama ng biktima ang kanyang mga kabarkada habang patungo sa Upper Bicutan nang mapag-tripan ng ilang mga kabataang kalalakihan sa Kalye 7, J.P. Rizal St.,  alas-10:30 ng gabi.

Tinangkang manlaban ng grupo ni Ali subalit isang alyas “Japok” ang naglabas ng sumpak at kaagad pinaputukan ang grupo ng biktima.

Nahagip ng bala sa likurang bahagi ng katawan, puwitan at hita si Ali sa unang bugso ng putok ng sumpak na nakatawag pansin sa mga nagrorondang barangay tanod kaya’t mabilis na tumakas ang suspek, kasama ang mga kabarkadang kabataan

Isinugod naman ng kanyang mga kabarkada si Ali sa nabatid na pagamutan habang iniutos na ni Taguig police chief Senior Supt. Arthur Felix Asis ang pagtugis sa salarin.