Binata nagbiro, patay sa saksak ng kaibigan

Injured Killed
0 1

Date: 31 March 2013
Source: Bombo Radyo

DAGUPAN CITY – Dahil sa pakikipagbiruan ay saksak sa dibdib ang tinamo ng isang 18-anyos na binata mula sa kaniyang kaibigan na agad nitong ikinamatay sa bayan ng Aguilar.

Nakilala ang biktima na si Mario Dela Cruz, 18-anyos habang ang suspek ay nakilalang si Loren Soriano, 20-anyos na pawang residente ng nabanggit na bayan.

Ayon sa imbestigasyon ng kapulisan, nag-iinuman ang biktima at suspek nang mapikon si Soriano sa matinding biro ni Dela Cruz.

Bunsod nito ay sinaksak ng suspek ang kainumang biktima sa kaniyang dibdib na naisugod pa sa pagamutan ngunit ideneklarang dead-on-arrival. 

Sa ngayon ay patuloy na pinaghahanap ng kapulisan ang suspek na agad tumakas matapos ang insidente.