Bgy chairman’s ‘killer’ arestado

Injured Killed
0 1

Date: 09 November 2013
Source: Journal Online

Arestado ang itinuturong killer ng isang barangay chairman sa hideout nito sa San Francisco del Monte, Bulacan.

Ang suspek na si Eduadro Manansala, alyas Eddie Bulag, 45, ng 2651 Severino St. Tondo, Maynila, ay inilipat sa kustodiya ng Manila Police District-Homicide Section (MPD-HS) kahapon ng alas dos ng hapon ng PNP-SJDM

Napag-alamang ang suspek ang bumaril sa biktimang si Armando Ramos, ng Bgy. 209, Zone 19 noong Nobyembre 3 ng alas-7:15 ng gabi dahil sa matagal nang alitan sa jumper ng kuryente.

Nagtanim umano ng galit ang suspek sa biktima nang mahuli na jumper ang kanyang kuryente, ani Senior Insp. Steve Casimiro, hepe ng MPD-HS.

Nadakip si Manansala sa bahay ng tiyuhin ng ate ng asawa nito sa Area F, Blk. 100, Lot 10, SJDM, Bulacan ng PNP-SJDM matapos makipagtulungan ang MPD-HS.

Kinilala ang suspek batay sa nakuhang record ng CCTV na nakakabit malapit sa bahay ng biktima.

Nang maisugod naman sa Chinese General Hospital si Ramos, idineklara itong dead on arrival. 
Itchie C. Cabayan