Beauty queen na hinalay, nahawahan ng STD

Injured Killed
1 0

Date: 07 February 2013
Source: Remate.ph by Johnny ArasgaFeb 7, 2013 7:44am HKT

TINUTUTUKAN na ngayon ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) ang lumabas na balita na nawala umano ang mga ebidensyang hawak ng pulisya na magdidiin sa suspek na gumahasa at nanakit sa isang beauty queen sa lalawigan ng Catanduanes.

Natuklasan na maliban sa napatunayang ginahasa ang beauty titlist, lumalabas sa pagsusuri ng  mga doktor na  ang biktima ay infected ng bacterial vaginosis o sexually transmitted disease (STD) na  nakuha mula sa suspek na dati rin nitong kasintahan.

Ayon kay VACC Chairman Dante Jimenez, base umano sa kanyang personal na pakikipag-usap sa biktima, ipimahayg nito ang matinding pambubugbog ng suspek na si Nonie Evasco, na may ari ng isang review center sa Albay.

Napag-alamang kaya umano hiniwalayan ng biktima si Evasco dahil sa pagkakadiskubre na ito ay may asawa at anak na at marami na rin di umano ang mga nabiktima nito sa kanyang mga nakatrabaho.

Nangako naman ang grupo na babantayan nila ang kaso laban kay Evasco para mabigyan ng katarungan ang sinapit ng biktima.