Injured | Killed |
---|---|
0 | 1 |
Date: 31 March 2013
Source: Bombo Radyo
LAOAG CITY – Agad namatay ang isang barangay kagawad matapos barilin ng riding in tandem sa Brgy. Tabug, Batac City, Ilocos Norte.
Nakilala ang biktima na si Jefferson Salacup, barangay kagawad at isang tricycle driver ng Brgy. Rayuray ng nasabing lungsod.
Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, nangyari ang insidente nang makalapit sa isang galyera ang biktima upang ihatid ang kanyang mga pasahero sa Brgy. Tabug nang biglang barilin ng hindi nakilalang suspek.
Nakarekober ang Scene of the Crime Operatives (SOCO) ng 13 empty shells ng kalibre .45 sa pinangyarihan ng krimen.
Naniniwala naman ang pamilya Salacup na may kaugnayan sa pangyayari ang isang grupo na nakaalitan ng biktima na hinihinalang may kinalaman sa droga.