Barangay kagawad itinumba

Injured Killed
0 1

Date: 10 July 2013
Source: Pilipino Star Ngayon

CAMP  SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Pinabulagta ang aktibong barangay kagawad na pinaniniwalaang tiktik ng militar makaraang itong ratratin ng apat na rebeldeng New People’s Army kamakalawa ng gabi sa Barangay Sto. Cristo, bayan ng Buhi, Camarines Sur. Batay sa ulat ng pulisya, nanonood ng telebisyon sa loob ng bahay ang biktimang si Kagawad Francisco Morante, 62, nang pasukin at ratratin ng mga tauhan ni  Kumander Nestor “Ka Asis” Bodino. Matapos patayin si Morante ay isusunod sana ang kapitbahay nitong si Danilo Coderes subalit nakatakbo palabas ng kanyang bahay at nakahingi ng saklolo mga awtoridad sa Barangay Igba.