Injured | Killed |
---|---|
0 | 1 |
Date: 30 June 2013
Source: Pilipino Star Ngayon
TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Napatay ang 49-anyos na barangay chairman matapos itong saksakin ng lalaking maton na tumangging sumama para imbestigahan sa Barangay Kabayu, bayan ng Ballesteros, Cagayan kamakalawa. Kinilala ni PO2 Jacob Manalang ang napatay na si chairman Flaridel Juan habang naaresto naman ang suspek na si Vincent Urianza. Sinasabing nagtungo ang biktima sa bahay ng suspek upang imbitahan sa gagawing pagsisiyasat sa ginawa nitong pagwawala sa karatig barangay ng San Juan. Tumangging sumama at nanlaban ang suspek saka pinagsasaksak ang nasabing opisyal ng barangay.