Bangkay ng umano’y pulis na itinapon sa bangin, natagpuan

Injured Killed
0 1

Date: 17 April 2013
Source: Bombo Radyo

CAGAYAN DE ORO CITY – Isasailalim sa otopsiya ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ang bangkay ng isang lalaking natagpuan sa Macapagal Road, Upper Carmen sa lungsod kaninang umaga.

Ayon kay SOCO team leader C/Insp. April Madronio, kanilang isasailalim sa otopsiya ang bangkay ng biktima upang malaman ang totoong dahilan ng pagkamatay nito.

Sa ginawang pagsisiyasat sa bangkay ng mga personahe ng SOCO, nagtamo ng sugat sa ulo at mukha ang biktima.

May nakumpiska rin silang PNP ID na may nakasulat na pangalang P01 Junal Magundadatu at isang Chapa.

Subalit nang siyasatin ng Carmen Police Station ang PNP ID at tsapa ng biktima kanilang nalaman na hindi pala totoong police officer ang biktima.

Ito’y dahil wala sa listahan si P01 Junal Magundadatu na siyang kabilang sa Philippine National Police.

Hindi rin magkapareha ang badge number na nakalagay sa kaniyang ID at tsapa.