Injured | Killed |
---|---|
0 | 1 |
Date: 20 May 2013
Source: Bombo Radyo
ZAMBOANGA CITY – Tadtad ng taga, pinutol ang mga kamay at paa at sinunog pa ang ilang parte ng katawan kabilang ang mismong ari ng isang lalaking hinihinalang magnanakaw nang makitang palutang-lutang ang bangkay sa karagatang sakop ng Sitio Lumarao, Barangay San Roque, Payao, Zamboanga Sibugay.
Sa panayam ng Bombo Radyo Zamboanga kay P/Insp. Arsenio Bokingkito, ang hepe ng Payao municipal polise station, kinilala nito ang biktima na si Catalino Samson Liban, 30, residente ng Barangay Dalama ng nasabing bayan.
Sinabi ni Bokingkito na lumalabas sa inisyal nilang imbestigasyon na kilalang magnanakaw sa kanilang barangay ang biktima.
Paniwala ng opisyal, matinding galit ang dahilan ng karumal-dumal na pagpatay sa biktima na posibleng may kaugnayan sa masamang gawain ng biktima.
Sa ngayon ay wala pa umanong maituturong suspek ang pulisya.
Patuloy pa rin ang pangangalap ng mga impormasyon para matukoy kung sino ang mga responsable sa krimen. (MRDS)