Bangkay ng lola sa sementeryo, pinaniwalaang ni-rape

Injured Killed
0 1

Date: 21 April 2013
Source: Bombo Radyo

NAGA CITY- Nagulantang ang isang sepulturero sa Camarines Sur matapos makita ang hinukay na bangkay ng isang lola sa kanyang binabantayang sementero.

Bandang alas-5:30 kaninang umaga, nakita na lamang ni Vicente Almasco ang labi ng hindi na pinangalanang lola na inilibing lamang kahapon sa Nabua Catholic Cemetery sa Barangay Santiago Young.

Ayon kay PO3 Gleen Loquias, nakahubad at nakahiga sa tarpaulin ang katawan nito at ang damit na suot ay ipinatong sa kanyang tiyan.

Isang lalaking may problema sa pag-iisip ang pinaniniwalaang may kagagawan ng pangyayari.

Ayon kasi sa sepulturero, ang suspek ay nakatira sa sementeryo at ito lamang ang laging nag-iikot sa lugar.

Inaalam naman ngayon ng SOCO ang posibilidad na ginahasa ang nasabing bangkay ng suspek na ngayo’y hawak na ng PNP.