Injured | Killed |
---|---|
0 | 1 |
Date: 07 February 2013
Source: by Marjorie DacoroFeb 7, 2013 10:52am HKT remate.ph
NAGULANTANG ang mga estudyanteng papasok kaninang umaga makaraang matagpuan ang isang patay na lalaki na naliligo sa sariling dugo sa kalsada sa Maynila.
Sa report sa radyo, natagpuan ang bangkay sa kanto ng Morayta at Lerma Sts., sa university belt area.
Inilarawan lamang ang biktima na nasa edad na 25 hanggang 30 anyos, 5’6″ ang taas, at medium-built.
Mayroon din itong saksak sa ilang parte ng katawan.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang malaman kung sino ang responsable sa pamamaslang at ano ang motibo nito.