Injured | Killed |
---|---|
0 | 1 |
Date: 21 October 2013
Source: Bombo Radyo
LAOAG CITY – Patuloy ang imbestigasyon ng PNP sa Batac City upang malaman ang pagkakakilanlan sa pagkatao ng bangkay ng isang lalaki na natagpuan sa bahagi ng Brgy. Bininggan sa nasabing lungsod.
Ayon kay PO2 James Rinen, investigator on case, ang biktima ay nagtamo ng tama ng bala sa kanyang ulo at sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan na dahilan ng kanyang pagkamatay.
Apat na empty shells mula sa kalibre .45 ang narekober din ng mga kasapi ng PNP Batac sa pinangyarihan ng krimen.
Lumalabas na four-wheels ang sinakyan ng mga suspek.
Nabatid din ng mga otoridad sa mga residente sa naturang barangay na pasado alas-12:00 kagabi ay nakarinig sila ng apat na putok ng baril at huni ng sasakyan na rumagasang umalis sa lugar at nagtungo pasilangang direksiyon sa access road na patungo sa Banna, Ilocos Norte.
Sa kasalukuyan, ang bangkay ay nasa isang punerarya sa nasabing lungsod at blangko pa rin ang PNP sa motibo at suspek sa krimen.