Bangkay ng call center agent na umano’y ni-rape, nakilala na

Injured Killed
0 1

Date: 17 April 2013
Source: Bombo Radyo

NAGA CITY – Positibong kinilala ngayon ng pamilya ang bangkay ng babaeng pinaniniwalaang ginahasa bago pinatay sa lalawigan ng Camarines Sur.

Sa impormasyong nakuha ng Bombo Radyo Naga, ang biktima ay nakilalang si Mary Grace Buban, 29, dalaga, ng Tabaco City at isang call center agent sa lalawigan.

Kinilala ito ng kanyang magulang na si Ely Buban kasama pa ang ilang kamag-anak.

Sa ngayon ayaw pang magsalita ng pamilya kaugnay ng insidente ngunit mayroon na umanong tinitingnang anggulo ang mga otoridad na pwedeng makapagturo sa may kagagawan ng krimen.

Samantala, hinihintay pa rin ngayon ng PNP-Magarao ang resulta ng otopsiya sa bangkay.

Nitong nakaraang Sabado lamang nang pagkaguluhan sa Barangay Sta. Lucia, Magarao ang bangkay ng biktima kung saan wala na itong suot na pang-ibaba at may mga sugat sa katawan na posibleng hinila ng suspek saka iniwan.