Bangkay ng 15-anyos na nagbaril sa istasyon ng pulisya, isasailalim sa otopsiya

Injured Killed
0 1

Date: 31 August 2013
Source: Bombo Radyo

ROXAS CITY – Isasailalim sa otopsiya ang bangkay ng 15-anyos na lalaki na umano’y nagbaril sa sarili sa loob ng istasyon ng pulisya sa Ivisan, Capiz.

 

Inihayag ni C/Insp Arturo Bangcaya ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) na tinututukan ng mga otoridad ang alegasyon na nagbaril sa sarili si Edwin Torillo matapos na isinailalim na ito sa post mortem fingerprinting.

 

Ayon kay Bangcaya, isasagawa naman ang fingerprint exam at ballistic examination sa 9mm pistol na service firearm ni PO2 John Cordovero, na ginamit ng menor de edad.

 

Kinunan naman si Cordovero ng fingerprints at isinailalim sa paraffin test.

 

Ang nasabing menor de edad na pinaniniwalaang may diperensiya sa pag-iisip ay nakatakda sanang iturn-over sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) nang mangyari ang insidente.