Injured | Killed |
---|---|
0 | 4 |
Date: 14 May 2013
Source: Pilipino Star Ngayon
MANILA, Philippines – Umaabot na sa apat-katao ang kumpirmadong napatay matapos na sumiklab ang bakbakan sa pagitan ng tropa ng Philippine Marines at armadong grupo sa Tongkil Island, Sulu kahapon ng umaga. Sa sketchy report, sinabi ni Col. Rodrigo Gregorio, spokesman ng AFP Western Mindanao Command, nakasagupa ng Philippine Marines ang mga armadong grupo sa pagbubukas ng polling precints sa nasabing isla. Nabatid na rumesponde ang tropa ng sundalo matapos na makatanggap ng ulat kaugnay sa panghaharass ng mga armadong grupo. Nabatid na nagpull-out sa lugar ang mga operatiba ng pulisya matapos itong hilingin ng kampo ni Sulu congressional bet Lady Ann Sahidula. Inihayag naman ni AFP Spokesman Brig. Gen. Domingo Tutaan Jr., ang pagpull-out ng pulisya at pagpasok ng tropa ng Philippine Marines ay desisyon ng Joint Security Coordinating Center upang maiwasan ang pakikisawsaw sa pulitika. Samantala, personal namang nagtungo si Sulu Island Commander Col. Orlando de Leon upang alamin ang tensiyon sa pagitan ng magkalabang kandidato.