Injured | Killed |
---|---|
0 | 0 |
Date: 21 February 2013
Source: Remate.ph feb 21, 2013
NATANGAY ang may P1.3 million na halaga ng mga alahas ng mga magnanakaw sa isang bahay sa Barangay Cogon, Roxas City.
Nabatid na nakita na lamang ng mag-asawang Armando at Delia Baquilar na nakabukas na ang pinaglagyan ng mga alahas sa kanilang silid at wala na rin ang mga pag-aaring mamahaling singsing, kuwintas at pulseras.
Wala namang nakitang ebidensiya na may forcible entry o may winasak na bahagi ng bahay upang magsilbing daanan ng mga magnanakaw.
Nabatid na nasa loob din ng bahay ang mga katulong at pamangkin ng mga biktima nang maganap ang pagnanakaw.
Kasalukuyang nagsasagawa ng imbestigasyon ang awtoridad sa nasabing pagnanakaw.