Injured | Killed |
---|---|
0 | 0 |
Date: 09 May 2013
Source: Pilipino Star Ngayon
NUEVA ECIJA, Philippines – Ginising ng mga putok ng baril ang mag-asawang lider ng kandidato makaraang pagbabarilin ng mga armadong kalalakihang lulan ng motorsiklo ang kanilang bahay sa Barangay Concepcion, bayan ng Zaragoza, Nueva Ecija kamakalawa ng madaling-araw.
Gumapang patungo sa kusina para sa kanilang kaligtasan ang mag-asawang Kagawad Leody Bactat, 44; at Luzviminda Bactat ng Barangay Concepcion at political leader ni re-electionist Zaragoza Mayor Lovella Belmonte-Espiritu.
Nakaligtas din ang kanilang mga anak at kasambahay.
Nagkabutas-butas naman sa pamamaril ang tindahan ng mag-asawa habang sa kanilang pintuan ay nag-iwan ng envelope ang gunmen na nakasaad ang katagang – “Ito ang mangyayari sa lahat ng namimili at nagbibili ng boto, lalaki man o babae. Nakikiramay kami sa iyong naiwanan dahil lamang sa kasuwapangan mo sa pera.”
Gayon pa man, itinanggi ni Kagawad Bactat ang nakasaad sa liham at sinabing harassment ito sa kanya ng mga kalaban sa pulitika.